Ex-BF now regrets splitting from Pia Wurtzbach

18,145 views
Ex-BF now regrets splitting from Pia Wurtzbach
Screenshot from UST Files

An alleged ex-BF shared regrets to UST Files as he recalls his past with Pia Wurtzbach, the beauty pageant titleholder who was crowned Miss Universe 2015 last Monday, December 21.

Ex-BF now regrets splitting from Pia Wurtzbach
Screenshot from UST Files

Upon learning Wurtzbach’s victory, the guy who hid himself as Guy With Regrets expressed disbelief and regrets for dumping her 8 years ago.

“‘Di ko siya sineseryoso. ‘Di ako nag-eexert ng effort. Lagi ko siyang tinatake for granted. Madalas akong ‘di nagrereply. ‘Pag may lakad kami, minsan talkshit akong ‘di sumisipot. Napakagago. Inundervalue ko yung worth niya,” ex-BF narrated via UST Files.

A graduate of AB Economics at University of Santo Tomas, he admitted Pia’s victory ends up regretting dumping or breaking up with her.

His post has been shared more than 11,000 times and counting on Facebook after 3 hours of posting. It also garnered almost 50,000 likes and more than 4,000 comments as of press time .

Here’s the full story of his memories with Pia.

Nung College Pa Kami ni Pia Wurtzbach

Nene pa si Pia nung college. Oo, artistahin at eye-catching na ang ganda niya. Pero ‘di pa ganong kamature at karavishing.

Nagkakilala kami sa waiting area ng LRT V. Mapa nung 2007. Noon pa lang, may poise na siyang kumilos. Mahilig siyang tumingin sa paligid, nagpapaganda siguro. Nakatapak siya sa yellow line, kaya pabiro kong sinabi sa kanya, “Ate, wag kang tatalon”. Tumawa siya. Ta’s yun. Nag-usap kami. At simula nun, pasimple na kong nanliligaw.

‘Di siya taga-uste. Nag-aral siya sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan. Ako, AB Economics sa UST. Artista siya sa ABS, pero minor roles lang. Kaya ‘di siya masasabing sikat.

Meeting place namin lagi sa SM Sta. Mesa, which is gitna ng San Juan at Espanya. Madalas kami manood ng mga corny at cheap romantic comedy sa sine. Tuwang-tuwa siya sa mga ganong palabas. Ako, ‘di ko trip. Pero nagpapanggap na lang na natutuwa para sa kanya.

Lagi niyang sinasabi na magiging Miss Universe daw siya someday. Sasang-ayon na lang ako at makikiride. “Sure.” Pero ‘di talaga ko naniwala. Akala ko talaga, pang-university lang ang ganda niya. Never kong inexpect na aabot siya ng international.

Aaminin ko. Gago ako noon. ‘Di ko siya sineseryoso. ‘Di ako nag-eexert ng effort. Lagi ko siyang tinatake for granted. Madalas akong ‘di nagrereply. ‘Pag may lakad kami, minsan talkshit akong ‘di sumisipot. Napakagago. Inundervalue ko yung worth niya.

Nung outing namin ng block, ginawa ko ang pinakainsensitive at heartless na pagkakamali. Nagkafling ako with my blockmate na kaclose ko. Napakabait ni Pia. Napakagandang personality. Iyak siya ng iyak nung nalaman niyang niloko ko siya. Nakipaghiwalay siya sakin.

Kung gusto n’yo kong ibash, it’s okay. I guess I really deserve it. But that was 8 years ago. I learned a lot ever since. Yung next relationship ko, kinarma ako ng sobra. Ako naman yung ‘di sineryoso. Harap-harapang nanlalaki yung babae sakin. Bumalik sakin lahat ng panggagago ko. Narealize ko na sobrang mali yung ginawa ko.

Siguro kinuwento ko ‘to para lang sabihin sa lahat ng mga lalaki na WAG MAGING GAGO. Kasi una, babalik sayo yun. At pangalawa, ‘pag ginago mo ang babae, gagawa at gagawa ng paraan yan para patunayan sayo na maganda siya. Na dapat respetuhin mo siya. Na dapat tratuhin mo siya na Miss Universe.

Guy With Regrets
2007
AB

comments